Wednesday, August 19, 2015

In between

Hi! May ikukwento lang ako.
Alam niyo yung feeling na nagmamahalan yung dalawa mong bestfriends at ikaw yung nagiging tulay ng pagmamahalan nila?

Masaya sa umpisa kasi makikita mo na nag workout yung relationship nila. Nang dahil sayo, masaya sila sa piling ng isa't isa. Pero sa bandang huli, mabibwisit ka nalang, Kapag mag-aaway sila, naiipit ka sa problema ng dalawa. Di mo alam kung sino ang kakampihan kasi parehas silang matalik na kaibigan mo.

Saya diba? Tapos kapag pinagtanggol mo yung isa, magtatampo yung isa. Hays. Ang hirap diba?
Tapos kapag nag-break sila, kakausapin ka ng isa. Hihingi ng tulong yung isa para magkabalikan sila. Ito ka naman, papayag kasi alam mong may chance parin siya. Tapos uullit nanaman sa umpisa. Masaya, tapos biglang magkakaroon na naman ng gulo. 

Putokutsinta, Diba ang saya? Relate ka ba? Kasi ako relate na relate.
Shoutout sa dalawa kong bestfriends diyan. Kung gusto niyong magbalikan, wag niyo na akong idamay. Sasakit na naman itong ulo ko nang dahil sa inyo eh. /insert iyak tawa emoji/ 

No comments:

Post a Comment